Pages

When you think WAY too much

Taken on Oct. of 2008 at IPB, UPLB during our research
Sabi nila, there are 7 kinds of intelligences. Hindi ka man magaling academically, posibleng magaling ka sa ibang bagay katulad ng pagpinta, pagsayaw, pagkanta, at kung anu-ano pa. Pero siyempre mas bongga ka kung more than one ang intelligence na meron ka. Halimbawa na lang, magaling ka na sa acads, magaling ka pa sa sports at arts. O di ba, ang cool mo nun?


Sabi din nila, lahat ng nasa UP, matatalino, sa libu-libo ba namang kumuha ng UPCAT, isa ka sa privileged few na pumasa at natanggap sa prestihiyosong Unibersidad. Pero katulad ng nakararami, sabi rin (at pakibilang na rin ako sa kanila), mas mahirap makalabas ng UP kesa makapasok. Tama. Napatunayan ko yan. Pero siyempre rin, wala pa ring tatalo sa lahat ng natutunan mo sa eskwelahang yan. Lahat na ata matututunan mo - mapa-academics, lablayp pati practicality maituturo sa'yo. Talaga namang proud akong sabihing, binuo ng Unibersidad ng Pilipinas ang pagkatao ko.


Having said all of these, tila may mga bagay din namang hindi maituturo sa iyo. Mga bagay na hindi na kailangan pang ituro dahil hello, you should've mastered it a long time ago (as in 2nd grade time pa dapat). Kaya kanina, habang nagninilay-nilay ako kung ano ba ang mga posibleng itanong sa exam bukas, eh napaisip ako. Actually, andami kong naisip.


Sa dami ng nabasa kong reviews/blogs about MCAT, dalawang bagay lang ang tumatak sa isip ko, mahirap siya at basic concepts ang kasama. Kinabahan tuloy ako. Naalala ko ang NMAT ko. Maniniwala ba kayong sa Physics and Chemistry part, hindi ako nag-solve? Okay, well, sinubukan kong mag-solve for one number pero nang marealize kong hindi ko talaga maalala ang formulas, eh nanghula na lang ako sabay dasal sa lahat ng pwedeng madasalan na sana kahit kalahati ng hula ko eh tumama? Well, siguro more than half ang tumama pero hindi nito maiaalis na kinakabahan na ako lalo ngayon dahil baka swerte lang talaga para sa'kin ang 2010 at baka hindi ko na dala ang swerte ngayong 2011. Sooooo, kakaisip ko ng mga pwedeng itanong bukas, bigla kong naisip ang mga bagay na sobrang bopols ako.


I thought about clouds.


Yes friends, nakakahiya mang aminin, UPian ako pero hindi ko alam kung ano ang mga pinagkaiba ng mga ulap. Ni hindi ko nga alam kung ilan ba talagang klaseng ulap meron tayo at hindi ko na pinag-aksayahan pang alamin. Hindi sa nagrarason ako eh, no, pero tandang-tanda ko na Grade 2 yan nang itinuro sa amin. At sakto, absent ako! Pagpasok ko kinabukasan, biglang hinanapan ako ng teacher ko ng Assignment, kelangan ko daw i-drawing ang lahat ng klase ng ulap. Asaan na daw?! Yes, pinagalitan ako. Buti na lang mabait ako nun at hindi ko siya sinagot ng: "Hello?! As if naman alam kong may assignment. Ikaw ba ang absent-minded o ako? Nakalimutan mo na bang absent ako yesterday?". So, umuwi akong hindi alam ang mga ulap at bigo dahil feeling ko napakawalang-kwenta kong estudyante, hindi gumagawa ng assignment. So ayun, after nun, sinumpa ko ang mga ulap and yes, ang aking teacher. But, don't get me wrong, I'm really not making an excuse here.
Going back, pwede bang mag-solve na lang tayo ng mga mathematical problems magdamag; gumawa ng research papers, case studies; iexplain ko sa inyo ang different processes na nangyayari sa loob ng inyong katawan (kahit hanggang cellular level pa if you want); o hindi kaya naman magkwentuhan tayo about sa pathology ng diseases? Pwedeng yun na lang at wag na natin pag-usapan ang mga ulap at halaman? 
Yes, please pakisama na rin ang nature sa mga "Topics you should refrain from mentioning when edz is around". Nabanggit ko na ba na, pare-pareho lang para sa singkit kong mga mata ang lahat ng puno/dahon sa buong mundo? Oo, alam kong iba-iba sila pero kahit buong taon mo akong kwentuhan about sa Taxonomy ng Plant species eh hindi talaga siya kayang i-grasp ng aking utak, at kung after a year ay tatanungin mo ako kung ano'ng puno ang kahit anong Palm tree, with all pride and dignity ko pa ring isasagot sa'yong, "Hello?! Ano akala mo sa'kin tanga?! Malamang coconut tree!"


Lahat naman tayo may flaws, di ba? O, eto ang isa sa'kin. Gusto ko lang i-share dahil alam kong matatawa kayo. ♥


But then again, baka hindi naman siya itanong. Haha

2 comments:

Anonymous said...

This is indeed a funny entry, Edz. Tara, usap tayo ng mga katangan sa buhay. Hahaha

edzdeline said...

HAHA Game! Gusto ko everything under the sun. Pakisama na rin ang ulap at halaman baka sakaling ma-convince mo akong importanteng alamin ang iba't ibang uri nila.XD Mwuah! <3

Post a Comment

 

Copyright © everyday in every way. Template created by Volverene from Templates Block
WP by Simply WP | Solitaire Online