Pages

Teng-...

Oh well. Talo ko pa ang broken-hearted. Buti sana kung busted ako, hiniwalayan ng boypren, inaway ng mga kaibigan, wala nang kaibigan, itinakwil ng mga magulang, tipong condemned by society na talaga ang drama; pero hindi. Ni isa walang nangyari sa'kin diyan. Buti sana kung choose the best answer diyan at all of the above pero hindi pa rin. Hindi yun yon.

Ang kaso kasi, nag-aral ako. Nag-aral akong mabuti. Halos iyon na lang ang subject ko. Hindi ko na talaga pinapakelaman pa ang iba pero ano nangyari? Wala pa rin. Bagsak. Hindi lang bagsak, lagapak. P@*$(*&#! Feeling ko ako ang pinakamababa. Kahit na feeling lang yun at wala naman talagang basehan kundi ang pagpapalungkot lalo sa sarili, eh hindi pa rin maganda sa pakiramdam. Hindi pa rin magandang may "feeling" kang ganun kahit feeling lang talaga yun. Ang saklap. Gusto kong maiyak kanina. Ganun ba ako kabobo? P*@&#&^@&$! Hindi ko matanggap. Hindi ko talaga inexpect sa totoo lang. Ayun, yun siguro yun. Sa lahat naman ng bagay, mapa-relasyon man o hindi, ang pinakamahirap sa lahat ay yung pinapaasa at umaasa. Shemay. Ang sakit sa heart and soul. Kumikirot eh. Buti sana kung emotions ko lang. tagos pati sa ego ko.

Hindi pwede to. Hindi maaari. Kulang pa. Ibig sabihin kahit feeling ko naguumapaw na, kulang pa rin. Tinimbang ka ngunit kulang. Ganun. Feeling mo magaling ka pero hindi pala. Shit. Babawi ako. PROMISE TO GOD AND MY COUNTRY. Punyemas.

2 comments:

Grexinity said...

LET's MAKE BAWI! MABUHAY KA! Haha

edzdeline said...

HAHAHA Let's make bawi? Tutulungan mo ako?:D Hay Gretchen marie, I'm so torn right now. Hindi ko alam kung pupunta ba akong anniv o magaaral para makabawi. Most prolly hindi na ako makapuntang anniv. Hindi maaari to. :(

Post a Comment

 

Copyright © everyday in every way. Template created by Volverene from Templates Block
WP by Simply WP | Solitaire Online